^

PM Sports

Maroons at Tamaraws kinumpleto ang Final Four

PJ Carpio - Pang-masa

MANILA,Philippines — Naibulsa ng University of the Philippines at Far Eastern University ang kanilang ticket patu­ngo sa Final Four sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Yna­res Center sa Antipo­lo City.

Isang go-ahead slam dunk ang isinalpak ni Kobe Paras para iligtas ang Fighting Maroons sa mapanganib na La Salle Green Archers, 71-68, at inilampaso ng Ta­maraws ang University of the East Red Warriors, 82-58.

Inilayo ng dunk ni Paras mula sa magandang pasa ni Jun Manzo ang UP sa 70-68 sa huling 54.8 segundo ng fourth pe­riod para kunin ang se­cond spot sa 9-4 record.

Binura ng La Salle ang 10-point deficit para sikwatin ang 64-62 kala­mangan mula sa tatlong free throws ni Aljun Melecio sa 2:53 minuto.

Ngunit hindi nagpatibag sina Paras at Bright Akhuetie nang itarak ang 9-2 atake sa huling dalawang minuto ng fourth pe­riod tungo sa panalo ng Fighting Maroons.

“I mentioned to the guys we were not just figh­ting for the postion, but we we’re fighting for our survival as well. I just have to give honor to them, who just being warriors, Bright, Jun, every­body else who contribu­ted.” sabi ni UP coach Bo Perasol

Nagsumite si Akhuetie ng 17 points, 10 boards at 2 assists at 2 steals, habang kumamada naman ng 12 markers, 5 boards at 2 assista si Ricci Rivero.

Hindi rin nagpahuli si Manzo na may 11 pointss, 5 rebounds at 8 assists.

Nabalewala ang double-double na 17 points at 11 rebounds ni Jamie Malonzo bukod pa ang 12 markers at 8 boards ni Melecio sa panig ng Green Archers.

Ligwak na ang La Salle sa Final Four bunga ng 6-7 marka.

Sa unang laro, sumandal muli ang FEU kina Wendell Comboy at  ro­okie Royce Alforque para ma­kuha ang tiket sa Final Four.

Nagrehistro si Comboy ng 17 points katuwang si Alforque na may 13 markers at 3 assists pa­ra sa 8-6 baraha ng Ta­maraws. ()

FAR EASTERN UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with