^

PM Sports

Blue Eagles lumapit sa outright finals

Paul Jerome Carpio - Pang-masa
Blue Eagles lumapit sa outright finals
Sinupalpal ni Thirdy Ravena ng Blue Eagles si Dave Ildefonso ng Bulldogs.
UAAP Images

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Ate­neo De Manila Universi­ty sa pang-13 sunod na rat­sada matapos idiskaril ang Na­tional Universi­ty, 88-51, sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Yna­res Center sa Antipo­lo City.

Umariba sa opensa ng Blue Eagles si import Ange kouame na nagtala ng 17 points, 13 rebounds, 3 assists at 3 blocks at nag­tala si Thirdy Rave­na ng 15 markers, 4 boards, 3 assists at 1 steal.

Umangat ang baraha ng Ateneo sa 13-0 para ma­kalapit sa pagwalis sa eliminations patungo sa out­right Finals ticket.

Maagang kinuha ng Blue Eagles 22-12 abante sa first quarter patungo sa paglilista ng 35-point lead, 76-41, mula sa three-point play ni SJ Be­langel  sa huling 6:50 mi­nuto ng final period.

“I think for 2 weeks in a row, we’ve come out with a great attitude. And it’s been reflected in the way they play, pace of the game, the defensive in­tensity, the rebounding, these are the things that make coaches proud.” sa­bi ni coach Tab Baldwin.

Walang nagawa ang 21 markes at 4 rebounds ni Shaun Ildefenso para sa Bulldogs.

Naging maalat ang opensa ni Dave Ildefonso matapos mairehsi­tro ang career-low na 2 points sa 2-11 baraha ng NU.

Sa ikalawang laro, si­nagpang naman ng University of Santo Tomas ang Adamson Universi­ty, 80-74, para isara ang eliminasyon bitbit ang 8-6 record.

Inangkin ng Growling Tigers ang playoff para sa isang semifinals berth.

Mula sa 55-65 pagka­kabaon ay naitabla ng Fal­cons ang laro sa 67-67 sa fourth period.

Ngunit nagsalpak sina Mark Nonoy at Sherwin Concepcion ng tig-isang tri­ple na sinundan ng tres ni Renzo Subido para mu­ling ilayo ang UST sa 76-69 sa huling 1:36 minuto ng laro at tiyakin ang ka­nilang panalo.

 

BLUE EAGLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with