^

PM Sports

Phl Karatekas matindi ang training

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukod sa 30th Southeast Asian Games ay naghahanda rin ang Philippine national karate team sa mga lalahukang Olympic qualifying tournaments para sa 2020 Olympic Games.

Kaya naman ipinadala ng Philippine Sports Commission ang karatedo squad para sa two-month international training at exposure para matiyak ang matagumpay nilang kampanya sa 2019 SEA Games at sa 2020 Olympic qualifying tournaments.

“The PSC has extensively supported our athletes’ training, both at home and overseas,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez. “We are not dropping our chances. Athletes should get their training and exposure.”

Kasalukuyang nagsasanay ang national kumite team sa Turkey simula pa noong Agosto sa ilalim ni Turkish coach Okay Arpa at nakatakdang bu-malik sa Oktubre 30 para sa last stages ng kanilang training preparations.

Nakatakda ang biennial games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nasa Japan naman ang national kata team para sa kanilang training at magbabalik sa bansa sa Nobyembre para sa 2019 SEA Games.

Isa si Jamie Lim, ang mathematics summa cum laude graduate ng University of the Philippines at anak ni Phi-lippine Basketball Association legend Samboy Lim, ang isa sa mga potential SEA Games gold medal winner.

Kinuha ni Lim ang gintong medalya sa -68 kgs. kumite sa katatapos na 2019 Amator Spor Haftasi Karate Cham-pionship sa Sakarya, Turkey.

Maliban kay Lim, aasahan din ng bansa sina Filipino-American Jone Orbin at Filipino-Japanese Junna Tsukii at Sheriff Afif.

Ang iba pang medal hopefuls ay sina Miyuki Tacay, Rexor Tacay, Ivan Agustin, Mae Soriano, prince Alejo, Sharief Alejo at Eugene Dagohoy.

Naniniwala naman si Karate Pilipinas president Richard Lim na malaki ang tsansa nina Fil-Am karateka Jone Orbon at Filipino-Japanese Junna Tsukii na manalo sa Olympic qualifying ng 2020 Tokyo Olympiad kung saan isasama ang karate bilang regular sport sa unang pagkakataon.

2020 OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with