^

PM Sports

Greenies, Braves paglalabanan ang huling semifinals berth

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng CSB-LSGH Greenies at Arellano Braves ang huling semis berth sa knockout playoff ng Season 95 NCAA junior’s basketball tour­nament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang parehong 10-8 kartada matapos ang double-round elimination, maghaharap ang Gre­enies at Braves ngayong alas-12 ng tanghali, ha­bang tatapusin naman ng Mapua Red Robins (5-12) at Emilio Aguinaldo Brigadiers (2-15) ang eli­mination round assignment sa kanilang pagtatagpo sa alas-10 ng umaga.

Kapwa tumapos ang Greenies at Braves na may parehong 10-8 kartada kasama ang San Sebastian Staglets.

Ngunit inangkin ng San Sebastian ang ikatlong puwesto dahil sa mataas na quotient, habang ang CSB-LSGH at Arellano ay nagsosyo sa pang-apat hanggang pang-limang upuan.

Ang magwawagi sa Greenies at Braves ay aabante sa Final Four at makaharap ang No. 1 seed San Beda Red Cubs sa unang semifinal match sa alas-10 ng umaga sa Nobyembre 5 sa Cuneta As­tro­dome sa Pasay City.

Sa ikalawang semis match, magtatagpo naman ang No. 2 seed Lyceum Junior Pirates at No. 3 seed Staglets sa  ala-1 ng hapon sa parehong venue.

Tumapos ang Red Cubs sa 17-1 baraha at pu­ma­pangalawa ang Junior Pirates sa 11-7 karta.

Kapwa hawak ng Red Cubs at Junior Pirates ang ‘twice-to-beat’ advantage sa magkahiwalay nilang se­mis matches.

Kung magkakaroon ng ‘rubber match’ ang mga semifinalists ay muling magtatagpo sa Nobyembre 8 sa Cuneta Astrodome.

Ang mga magwawagi ay maghaharap sa best-of-three Finals simula sa Nobyembre 12 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

vuukle comment

ARELLANO BRAVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with