^

PM Sports

Uste gustong makaulit sa NU

PJ Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling kakapit kina Soulemane Chabi Yo at Enzo Subido ang UST Growling Tigers sa pagsagupa sa dehadong NU Bulldogs ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Makakaharap uli ng Sto. Tomas ang Bulldogs, na pinadapa nila via overtime period, (87-74) noong Setyembre 15, sa alas-2 ng hapon.

Naitakas ng Growling Tigers ang  (84-78) laban sa UP Fighting Maroons mula sa pinasabog na triple ni Enzo Subido sa huling 26.7 segundo ng fourth quarter para iangat ang koponan sa 6-5 win-loss record sa solo third spot.

“I can say right now that was my biggest shot in my basketball career.” wika ni Subido sa kanyang clutch triple sa fourth period. “It feels great, kasi, we badly needed this win. I keep telling my teammates whatever happens in this game, will decide the outcome of our season.”

Dahil doon tumaas ang kumpiyansa ng Growling Tigers patungo sa kanilang mga susunod na laro.

 “If we win against UP, it’s gonna give us the confidence we need to compete with our last three games.” pahayag ni subido

Inaasahang muli sasandal si coach Aldin Ayo kina Soulemane Chabi Yo, Enzo Subido, Renz Abando, Sherwin Concepcion, Mark Nonoy at Brent Paraiso para sa Espana-based team.

Panapat naman ni coach Jamike Jarin sina Shaun at Dave Ildefonso, JL Clemente, Issa Gaye, Enzo Joson at JV Gallego para sa Bulldogs.

Kasalukuyang nasa ilalim din ng standing ang NU hawak ang 2-8 baraha.

Hangad naman ng La Salle Green Archers na makaresbak sa first round tormentor na FEU Tams upang masolo ang fourth spot sa alas-4 ng hapon.

 

USTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with