^

PM Sports

National Pride maraming pinaiyak

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lupaypay ang balikat ng mga liyamadista nang matalo ang super outstanding favorite na National Pride sa PHILRACOM - RHBS Class 2 Merged na pinasibat sa Race 11 noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Dahil sa pagkatalo ng National Pride, nagkaroon ng carry over sa third Winner Take All.

May dibidendo na P4,141.00 para sa mga naka-anim na puntos.

Naantala ng sobra sa largahan ang National Pride nang dumamba ito pag-labas ng aparato, kumakaripas na ang kanyang mga kalaban habang gumewang pa ang imported horse na pag-aari ni KG Chua.

Bumandera ang nanalong Forest Cover na sinakyan ni apprentice rider Pabs Cabalejo, tatlong kabayo ang distansya sa sumusunod na Hot And Spicy.

Papasok ng far turn ay hindi pa rin  nagbago ang puwesto ng Forest Cover at Hot And Spicy pero kitang-kita sa camera ang pagmamadali ng National Pride na humahangos itong humahabol sa unahan.

Pagsapit ng huling kurbada ay ginamitan ni former Philippine Sportswri-ters Association, (PSA) Jockey of the year awardee Jonathan B. Hernandez ng latigo ang National Pride pero nabigo itong ungusan ang tinaguriang “Giant Killer” sa karerahan na Forest Cover.

Inirehistro ng Forest Cover ang 1:17 minuto sa 1,300 meter race sapat para kubrahin ni Aristeo Puyat, may-ari sa winning horse ang karagdagang P20,000 mula sa Philippine Racing Commission.

Dumating na segundo ang Hot And Spicy, tersero ang Messi habang pumang-apat ang Facing Dixie.

NATIONAL PRIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with