^

PM Sports

Blue Eagles hindi mapigilan

PJ Carpio - Pang-masa
Blue Eagles hindi mapigilan
Pinagtulungan nina Nick Abanto at Chris Conner ng Red Warriors si Kristian Bernardo ng Soa­ring Falcons.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Binusalan ng Ateneo De Manila University ang University of Santo To­mas, 66-52, para masungkit ang ika-walong panalo at paigtingin ang kapit sa liderato sa Season 82 UAAP men’s basketball tour­nament kahapon sa Mall Of Asia sa Pasay City.

Kumana si star guard Thirdy Ra­vena ng 17 points, 9 rebounds at 2 steals para pamunuan ang Blue Eagles sa malinis na 8-0 kartada.

Nagdagdag si ng SJ Be­langel ng 11 markers kasunod ang 8 points ni big man Isaac Go pa­ra ipalasap sa Grow­ling Tigers ang pang-apat nitong kabiguan sa walong asignatura.

“All I can say is thank God for our defense,” sabi ni coach Tab Baldwin

Sa pamumuno Ravena ay maagang nag-init ang openas ng Ateneo para hawakan ang 26-17 bentahe sa halftime.

Nagpaulan ng magkasunod na tres sina Belangel at Matt Nieto upang tu­lungang ilayo ang Blue Eagles laban sa Growling Tigers, 50-37, sa 7:15 minuto sa fourth period.

Nagsalpak ng isang floa­ter si Gian Mamuyac sa huling 55 segundo ng final canto para selyuhan  ang panalo ng Ateneo.

Wala namang nagawa ang career-high na 18 points ni Mark Nonoy sa panig ng UST.

Sa kabila ng kabiguan ay nanatili sa solo third spot ang Growling Tigers hawak ang 4-4 kartada.

Sa unang laro, nagtala ng pinagsamang 36 points sa second half sina import Alex Diakhite at Rey Suerte ng University of the East upang dagitin ang ikatlong panalo kontra sa Adamson University, 80-74 at makihanay sa four-way-tie sa fourth spot.

Kumayod ang Sene­galese big man na si Diak­hite ng 29 points, 13 rebounds at 2 blocks ka­tuwang ang Cesafi MVP na si Suerte na may 26 markers, 7 boards at 3 assist para ihatid ang Red Warriors sa sa 3-4 marka kagaya ng Soaring Falcons, FEU Tamaraws at La Salle Green Archers.

Naging mabagal ang simula ng UE nang iwanan ng Adamson sa first half, 31-36,  ngunit binura nila ito at naagaw ang 59-56 bentahe sa third period.

Inilayo pa nina Diak­hite, Suerte at Chris Conner ang Red Warriors sa 65-56 sa pagpasok ng final canto.

Naibaba ito ng Soa­ring Falcons sa 68-69 mula sa back-to-back triples ni Jerrick Ahanmisi sa 5:20 minuto ng laro.

Kagad itong nasawata nina Diakhite at Suerte para sa Recto-based ca­gers.

 

BLUE EAGLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with