^

PM Sports

Hidilyn bumuhat ng 2 tanso sa World Championships

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasungkit si 2016 Rio Olympics silver me­dalist Hidilyn Diaz ng dalawang tansong me­dalya sa 2019 Interna­tional Weightlifting Fe­de­ration (IWF) World Cham­pionships sa Eas­tern National Sports Trai­ning Center sa Pattaya, Thailand.

Bumuhat si Diaz ng 121 kgs. para makuha ang tan­so sa clean and jerk, ha­bang nakalikom siya ng 214 kgs. sa total para masiguro ang isa pang tansong medalya sa wo­men’s 55-kg. division.

Nagtala si Diaz ng 98 kgs. sa snatch at sapat pa­ra sa pang-walong puwesto.

Napasakamay ni Liao Qiuyun ng China ang gintong medalya sa clean and jerk nang magtala ng bagong world record na 129 kgs., habang puma­ngalawa ang kababayan niyang si Zhang Qan­qiong na may 123 kgs.

Naibulsa rin ni Liao ang ginto sa total hawak ang kabuuang 227 kgs. ka­sunod si Zhang sa ikalawa tangan ang 222 kgs.

Nakabawi lamang si Zhang nang angkinin ang ginto sa snatch matapos paangatin ang 99 kgs. at talunin si Liao na may 98 kgs. para magkasya sa pi­lak.

Napunta ang tanso kay Muattar Nabieva ng Uz­bekistan na may 96 kgs. sa torneong nilahukan ng 606 atleta mula sa 100 bansa.

Sa iba pang resulta, pang-pito si John Ceniza sa snatch (117 kgs.), ikalima sa clean and jerk (145 kgs.) at ikaanim sa total (262 kgs.) sa men’s 55-kg., habang ikawalo si Mary Flor Diaz sa snatch (70 kgs.) at clean and jerk (86 kgs.), at ikapito sa total (156 kgs.) sa women’s 45-kg. at pang-22 naman si Elien Perez sa snatch (75 kgs.).

 

HIDILYN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with