^

PM Sports

Flying Titans tinapos ang 5-game losing skid

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natuldukan ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang five-game losing skid nang takasan ang Chef’s Classics La­dy Red Spikers, 32-34, 25-12, 23-25, 25-18, 15-11, sa Premier Volleyball  League (PVL) Open Conference kaha­pon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Nakabalik sa win-column ang Flying Titans at nadagit ang ikatlong tagumpay sa siyam na asignatura at napanatili ang kapit sa No. 7 spot sa leaderboard.

Nag-init para sa tro­pa si dating Ateneo standout Kat Tolentino na tumapos na may 36 points sa likod ng 28 attacks, 5 aces at 3 blocks, habang tumipa ng 13 markers si Shannen Palec.

Ito ang ikaapat na su­nod na five-settter match na sinalangan ng mga bata ni coach Oliver Almadro ngayong conference at naging pa­bor sa kanila ang laro.

Bitbit ang 1-2 set dis­advantage, umariba nang husto si Tolentino para mabaliktad ang sit­was­yon at maitabla sa 2-2 ang laro para maipu­wersa ang isang decider at mula rito ay hindi na lumingon ng tropa.

Sinubukan namang bumawi ng Chef’s Classics sa pangunguna ni Nie­za Viray pero hindi ito naging sapat para ma­nakaw sana ang una nilang panalo sa liga.

Tumapos naman ng 18 marers si Viray para sa Lady Red Spikers na pa­tuloy na sumasadsad sa standings hawak ang 0-10 record.

Samantala, nasungkit naman ng PacificTown-Ar­my Lady Troopers ang back-to-back win nang lunurin ang BaliPure Water Defenders, 25-17, 25-22, 25-18, pa­ra sa 6-4 baraha.

 

vuukle comment

FLYING TITANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with