^

PM Sports

No. 1 pa rin ang USA sa FIBA rankings

Pang-masa

MANILA, Philippines — Napanatili ng United States ang paghawak sa No. 1 seat sa FIBA world men’s rankings sa kabila ng nakakadisma­ya nilang seventh-place finish sa katatapos na 2019 World Cup sa Chi­na.

Ito ang pang-siyam na sunod na taon na inangkin ng mga Americans ang top spot ng FIBA simula nang mag­hari noong 2010 world championship.

Nanatili naman ang 2019 World Cup champion na Spain sa No. 2 ka­sunod ang Australia (No. 3) na nagmula sa No. 8.

Ang World Cup fina­list na Argentina ay umakyat naman sa No. 4 at nahulog ang World Cup bronze-medalist na France sa No. 5 mula sa pagiging No. 3.

Ang FIBA rankings ay nagmula sa resulta sa nakalipas na walong ta­on.

Kaya patuloy ang pamumuno ng U.S. dahil sa kanilang pag-angkin sa gold medal noong 2012 at 2016 Olympic Games pati na noong 2014 World Cup.

“In this day and age, basketball in other countries is not a se­cret,” ani Team USA head coach Gregg Po­po­vich matapos ang ka­­nilang kampanya sa World Cup. “So it’s not like there’s an epiphany or a revelation to be made. There are won­der­ful teams and won­der­ful coaches all over the world. You go compete and the best teams win.”

Inaasahang mapapa­natili ng USA ang No. 1 ranking sa darating na 2020 Tokyo Olympics.

Ilan sa mga top NBA players kagaya nina Ste­phen Curry, Draymond Green at Damian Lil­lard ay nagsabing mag­lalaro sa Olympics.

Puntirya ng mga Ame­­ricans ang kanilang ika­apat na sunod na Olympic gold medal.

Karamihan naman sa top U.S. players ay hindi naglaro sa nakaraang World Cup team.

“I’m expecting them to be so strong next year,” pahayag ni Spain coach Sergio Scariolo sa U.S. team.

 

FIBA RANKINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with