^

PM Sports

Wilson naka-44pts.

Pang-masa

ANGELES CITY, Philippines — Nang malagay sa balag ng alanganin ang San Juan Knights ay sinandigan nila si veteran guard John Wilson.

Kinamada ni Wilson ang huling 12 points ng Knights sa overtime para talunin ang Pampanga Giant Lanterns, 102-97 sa Maharlika Pilipinas Basketball League dito sa Angeles University Foundation Gym kamakalawa ng gabi.

Nagsalpak si Wilson ng bagong MPBL record na 44 points para burahin ang 41 markers ni Leomer Losentes ng General Santos Warriors at akayin ang San Juan sa kanilang matayog na 13-1 record sa Northern Division.

Tumipa si Wilson, ang 2009 NCAA MVP para sa Jose Rizal University Heavy Bombers ng 9-of-17 shooting sa three-point line para banderahan ang Knights. Nagdagdag si Mike Ayonayon ng 24 points at 12 rebounds.

Nalaglag naman ang sa 9-5 baraha ang Giant Lanterns, itinulak ang laro sa overtime sa 85-85 mula sa layup ni John Dexter Maiquez sa huling 33 segundo ng regulation.

Tumapos si Maiquez na may 24 points kasunod ang tig-14 markers nina Levi Hernandez, Reil Cervantes at Michael Juico.

Samantala, nilapa ng Davao Occidental Tigers ang Bicol Volcanoes, 88-76 at tinalo ng Basilan Steel ang Imus Bandera, 96-85.

JOHN WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with