Orcollo nakatikim ng panalo
MANILA, Philippines – Tinuldukan ni dating world champion Dennis Orcollo ang pagkauhaw nito sa titulo sa taong ito matapos magkampeon sa 29th Houston 9-Ball Open sa Legends Biliards sa League City, Texas.
Nakuha ni Orcollo ang korona matapos itarak ang makapigil-hiningang 9-8 panalo laban sa kababayang si Roberto Gomez sa all-Filipino championship round.
Napasakamay ng 40-anyos na si Orcollo ang $3,480 papremyo habang nagkasya sa $2,320 runner-up purse si Gomez.
Nakapasok sa finals si Orcollo matapos igupo ang kababayang si Edgar Acaba sa quarterfinals (9-4) at Robb Saez ng Amerika sa semifinals (9-4).
Nakasiguro ng opening-round bye si Orcollo bago payukuin sina sa Gomez sa second round (9-8) at John Morra ng Canada sa third round (9-3).
Nahulog naman si losers’ bracket si Gomez kung saan dumaan ito sa butas ng karayom para makabalik sa finals.
Isa-isa nitong pinatalsik sina Leon Contreras (7-1), Josh Roberts (7-3), Acaba (7-5), Alex Calderon (7-5) at Saez (-3) para maisaayos ang pakikipagtuos kay Orcollo.
Ngunit kinapos si Gomez sa huling sandali ng laro para tuluyang ipaubaya kay Orcollo ang kampeonato.
Nagkasya si Orcollo sa runner-up trophy sa US Open 10-Ball Championship noong Agosto sa Las Vegas, Nevada at dalawang third-place finishes sa Derby City Classic 10-Ball Challenge at Master of the Table na parehong ginanap sa Elizabeth, Indiana.
- Latest