^

PM Sports

Juico bida sa panalo ng Pampanga

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagposte uli si Michael Juico ng isa na namang double-double performance para tulungan ang Pampanga Giant Lanterns sa 77-66 pagpapaluhod sa home team na Muntinlupa Cagers sa MPBL Lakan Season sa Muntinlupa Sports Complex.

Nagtala si Juico ng 16 points at 16 rebounds na siya ring produksiyon nito sa naunang panalo ng Giant Lanterns laban sa reigning Southern Division champions Davao Occidental Tigers.

Dumiretso ang Pampanga sa kanilang ikatlong sunod na ratsada para patuloy na hawakan ang fifth spot sa Northern Division ng torrneong itinatag ni Sen. Manny Pacquiao kasama si PBA legend Kenneth Duremdes bilang Commissioner.

Itinaas ng Giant Lanterns ang kanilang baraha sa 9-4.

Nagposte din ng panalo ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines matapos talunin ang Nueva Ecija, 109-85.

Kumamada ang Universal Canning Inc.-owned franchise ng 90 points sa shaded lane sa kanilang pagdomina sa Nueva Ecija.

Samantala, pinatumba naman ng Iloilo United Royals ang Valenzuela, 73-67 para kay coach Nash Racela na siyang pansamantalang pumalit kay Eric Gonzales na pinatawan ng two-game suspension.

JUICO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with