Myla Pablo apektado ng kanyang injury
MANILA, Philippines — Bangungot para kay Motolite veteran outside hitter Myla Pablo ang pag-inda niya ng injury sa kanyang kanang ankle.
Muling uminda ng injury ang two-time PVL Most Valuable Player (MVP) sa laro ng kanyang koponan noong Linggo kontra PetroGazz Angels sa PVL Open Conference.
Sa second set ng laro sinubukan ni Pablo na tumalon para umatake ngunit masama ang kanyang pag-landing na dahilan kaya siya bumagsak.
Inilabas agad sa court si Pablo at ayon sa unang assessment ng physical therapist ng Motolite na si Hannah Untalan, uminda ang 5-foot-10 skipper ng metatarsal sprain.
Sinugod sa ospital si Pablo para sumailalim sa MRI at X-ray para malaman ang tunay na lagay nito at kung makakabalik pa ito sa torneo.
Sa pagkawala ng isa sa mga scoring machine ng Motolite, naputol din ang winning streak nito sa liga nang walisin sila ng Gazz Angels, 21-25, 16-25, 26-28.
Hindi ito ang unang beses na nagka-injury ang dating National University (NU) Lady Bulldogs standout, noong 2017 sa PVL Reinforced Conference ay nakaranas siya ng back injury noong nasa Pocari Sweat Air Force pa siya.
- Latest