BWC national finals pamumunuan ni Nepomuceno
MANILA, Philippines — Bibitawan ngayon ang five-day Bowling World Cup national finals sa Coronado Lanes.
Kabuuang 80 men at 43 ladies ang mag-aagawan sa titulo pati na sa tiket sa international event na nakatakda sa Nobyembre 16-24 sa Palembang, Indonesia.
Pamumunuan nina four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno at highest center final scorer Kenneth Chua ang kompetisyon sa men’s division.
Sasabak sila sa 12 games na magsisimula sa alas-10 ng umaga, habang ang mga lady finalists, babanderahan nina 2017 BWC international winner Krizziah Tabora at seasoned campaigner Liza del Rosario, ay lalahok sa 10 games bukas.
Base sa kabuuang pinfalls, ang top 34 men at top 34 ladies ay papasok sa second day sa Setyembre 10 (men’s) at Setyembre 11 (ladies) sa Superbowl.
Tangan ang kanilang mga iskor, magpapagulong ang 34 ladies ng 10 pang laro at ang 34 men ay maglalaro pa ng 12 kung saan magkakaroon ng lane changes matapos ang bawat laro.
Ang total pinfalls ang magdedetermina sa aabante sa top 8 ladies at men na muling maglalaro ng 8 games para malaman ang top 4 na lalaban sa semifinal at final rounds.
- Latest