^

PM Sports

Creamline hangad ang sweep sa 1st round laban sa BaliPure

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tangka ng Creamline na ma-sweep ang first round sa pagharap sa BaliPure sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Con­ference sa The Arena sa San Juan City.

Itataya ng Cool Sma­shers ang malinis nilang 7-0 baraha sa pakikipag­tuos sa Water Defenders ngayong alas-6 ng gabi at sa alas-4 ng hapon ang banggaan ng Chef’s Classics at PacificTown-Army.

Dadalhin ng Creamline ang kumpiyansang bitbit matapos madagit ang ikapitong sunod na panalo noong Miyer­kules nang walisin ang Pa­cificTown-Army, 25-23, 28-26, 26-24.

“Hopefully, sa first round we are aiming for the sweep but mo­ving for­ward kasi ang ganda ng inilalaro ng lahat na  teams. Siguro nakuha na nila ‘yung chemistry nila as a team,” ani kapitana Alyssa Valdez. “One game at time we’re ai­ming for the sweep hopefully, mapaghanda­an namin ‘yung BaliPure.”

Sasandalan muli ng defending champions si Valdez kasama sina Mi­chele Gumabao, Pau Soriano, Risa Sato, Jia Mo­rado, Fille Cayetano at Kyle Atienza.

Sa panig naman ng Water Defenders, target nialang muling makaa­ngat sa leader board at madagdagan pa ang mga panalong bitbit nito.

Kinapos ang BaliPure na masungkit ang una nilang back-to-back victory nang alpasan si­la ng BanKo Perlas Spi­­kers, 25-19, 18-25, 21-25, 25-23, 15-17.

Pangungunahan ni­na Grace Bombita at Menchie Tubiera ang Ba­liPure katuwang sina Satrianni Espiritu, Shirley Salamagos, Miracle Mendoza, Vira Guille­ma at Glyka Medina.

Sasabak din sa ak­syon ang mga college teams sa Collegiate Con­ference na sisimulan ng labanan ng San Beda at Perpetual sa alas-8 ng umaga at sa alas-10 naman ang harapan ng Letran at San Sebastian at 12 ng tanghali sa pagitan ng Arellano at CSB.

 

BALIPURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with