^

PM Sports

Jackson negatibo sa serious injury

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahinga nang ma­luwag si Fil-Am guard Trevis Jackson at ang Me­ralco matapos mag-ne­­gatibo ang rookie sa anumang seryosong inju­ry.

Ayon kay team ma­na­ger Paolo Trillo, walang da­pat ipag-alala dahil back spasms lamang ang nakitang diagnosis sa me­dical examination ng na­turang rookie player sa PBA.

Matatandaang kama­kalawa ay naging masa­ma ang bagsak ni Jackson sa kasagsagan ng scrimmage ng Meralco.

Hindi kaagad naka­tayo si Jackson at nag­reklamo ng pananakit sa kanyang likod na halos hindi niya maigalaw.

Matapos tingnan ng physical therapist ng Bolts ay napilitan na silang dalhin si Jackson sa ospital na sa kabutihang palad ay naging maganda naman ang resulta.

Inaasahan ang mabilis na paggaling ni Jackson lalo’t isang buwan pa bago ang kampanya ng Meralco sa nalalapit na 2019 PBA Governor’s Cup.

Naghahanda rin ang Bolts sa sasalihan nilang 2019 FIBA Asia Champions Cup sa Bangkok, Thailand na nakatakda sa Setyembre 24 hanggang 29.

Magsisilbing imports nila sa naturang torneo si Allen Durham at Renaldo Balkman.

Si Jackson ay dating D-League standout at na­pili ng Bolts bilang 5th overall pick noong 2018 PBA Rookie Draft.

Nagrerehistro siya ng mga averages na 4.67 points, 1.58 rebounds at 1.50 assists sa limitadong aksyon bilang back-up point guard ni Meralco starter Baser Amer.

 

JACKSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with