^

PM Sports

Black Mamba, Hyperwash asam ang playoffs

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parehong nais makalapit sa playoffs ang pakay ng Black Mamba at Hyperwash ngayon sa krusyal nilang sagupaan sa umiinit na 2019 PBA Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang banggaan sa alas-1:30 ng hapon kung saan ang mananalo sa pagitan ng Energy Drink at Vipers ay makakalapit ng isang panalo tungo sa pagselyo ng playoff ticket sa Group B.

Sa ngayon, tanging ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare at TIP pa lamang ang nakasiguro ng puwesto sa Group B playoffs kung saan nais sanang makasunod ng Black Mamba ngayon kung maipapagpag ang Hyperwash.

Sasakay ang Energy Drink sa 80-75 panalo nito sa Italianos’ Homme noong nakaraang linggo na magandang pambawi nila sa nalasap na unang kabiguan kontra sa TIP, 99-110.

“One more win at least medyo may playoff spot na. We’ll try to get that,” ani head coach Vis Valencia na aatasan ang dalawang pambato na sina Dahrell Caranguian at John Tayongtong upang giyahan ang kanilang atake. “Sabi ko sa team, we don’t have to wait anymore dun sa sitwasyon na kailangang matalo si ganito, manalo si ganito.”

Subalit hindi inaasahang ganoon lang kadali ang kanilang misyon lalo’t mainit na Hyperwash na nakasakay sa dalawang sunod na panalo ang kanilang makakaharap.

Kagagaling lang ng Vipers sa pagtatala ng bagong highest team scoring record sa D-League nang lusutan nila ang McDavid-La Salle Araneta, 144-38 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo at 2-2 baraha ngayon.

Upang maisukbit ang third win in a row ay sasandal si mentor Joel Palapal sa ex-pros na sina Jeric Fortuna at Khasim Mirza gayundin kay JR Cawaling na nagpakawala ng 48 puntos sa naturang panalo.

“Nakikiliti ako sa tsansa namin sa next round. Malaking bagay itong game namin dahil lalaki tsansa naming makapasok kung maipapanalo namin. Pero kailangang i-work on namin depensa dahil mataas ‘yung naibigay naming puntos noong nakaraan,” ani Palapal.

Samtantala, sa isa pang laro sa alas-3:30 ng hapon, tangka naman ng kulelat na Alberei (0-4) ang una nitong panalo kontra sa kaparehong baguhan sa D-League na Italianos’ Homme (1-2).

2019 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with