^

PM Sports

Puwede na uling maglaro si Ravena

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Puwede na uling maglaro si Ravena

MANILA, Philippines — Matapos ang 18 buwan sa wakas ay matatapos na rin ang paghihintay ng Gilas Pilipinas at NLEX point guard na si Kiefer Ravena.

Ito ay dahil sa pagwa­wakas ng kanyang 18-buwang suspensyon mula sa International Basketball Federation (FIBA) nga­yong araw na magbibigay sa kanya ng go-signal upang makapaglaro na ulit ng official game si­mula bukas.

Matatandaang noong Ma­yo ng 2018 ay inilabas ng FIBA ang hatol nitong ban kay Ravena sa loob ng 18 buwan matapos mag­positibo sa banned substances ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Inamin ni Ravena ang pagkakamali matapos hindi sinasadyang umi­nom ng pre-workout drink na naglalaman ng natu­rang banned substances at buhat noon ay itinuon ang atensyon sa pagpapalaga­nap ng awareness at ad­vo­cacy sa mga national athletes upang hindi na ma­ulit ang pangyayari.

Sa loob ng 18 buwan ay hindi nakita ng publiko si Ravena sa anumang bas­ketball-related activities ka­bilang na ang laro ng na­tional teams at kanyang mother team na NLEX bago nabigyan ng go-signal na magbalik sa en­sa­yo noong Hunyo 24 sa pa­rehong Road Warriors sa PBA at sa Gilas Pilipinas.

Bagama’t nakabalik na sa training sa nakalipas na dalawang buwan, bawal pa rin si Ravena na maglaro ng official basketball game kaya’t hindi nasilayan sa si­nalihang tune-up games at pocket tournament ng Gilas sa Malaga at Guada­lajara, Spain noong naka­raang buwan.

Hindi pa nakalaro si Ra­vena sa friendly game ng Gilas kon­tra sa Adelaide 36ers ng Australia kagabi sa Me­ralco Gym subalit ma­tapos ang isa’t kalahating taon ay makakalaro na ulit sa wakas kontra sa pa­rehong koponan bunsod ng pagtatapos ng kanyang suspensyon ngayon.

Sasabak ulit ang Gilas sa Adelaide bukas bilang bahagi ng pinal na paghahanda bago sila lumipad sa China sa Agosto 29 para sa 2019 FIBA World Cup na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Inaasahan ang pagbabalik ni Ravena na mala-king tulong sa pilay-pilay na Gilas pool ngayon bunsod ng injuries nina Marcio Lassiter, JP Erram at Matthew Wright.

Isa si Ravena kasama sina Robert Bolick, CJ Pe­rez, Mark Barro­ca, Paul Lee, Raymond Al­mazan at Beau Belga sa pagpipilian ni head coach Yeng Guiao para sa huling anim na slots sa Final 12 roster ng Gilas.

Nauna nang pinangalanan ang mga Gilas veterans na sina June Mar Fajardo, RR Pogoy, Troy Rosario, Gabe Norwood, Japeth Aguilar at naturalized pla­yer Andray Blatche bilang shoo-ins sa unang anim na roster spots.

 

RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with