^

PM Sports

Walker kumamada para sa US team

Pang-masa
Walker kumamada para sa US team
Kemba Walker

MELBOURNE -- Nagpasabog si Boston Celtics guard Kemba Walker ng 23 points para pamunuan ang United States sa 102-86 paggupo sa Australia sa isang warm-up game kahapon.

Nagdagdag si Myles Turner ng 15 points at 14 rebounds, habang tumipa si Do­novan Mitchell ng 13 markers at 3 assists bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup sa China sa susunod na linggo.

Binanderahan naman ni Chris Goulding ang Australia sa kanyang 19 points sa harap ng 50,000 fans sa Melbourne’s Marvel Stadium.

“I’m one of the leaders of this team so I just try to do my best for my teammates,” wika ni Walker, hi­nirang na team captain para sa nasabing laro. “I’m su­per happy to be here. I want to inspire the young kids coming up.”

Nakatakdang pangalanan ni head coach Gregg Popovich ang Final 12 ng USA squad para sa 2019 FIBA World Cup.

Paborito pa rin ang mga Americans bagama’t hin­di sumama sa tropa sina NBA superstar LeBron James, James Harden, An­thony Davis at Kawhi Leonard.

“One of our big mantras has been ‘composure and poise,’” sabi ni Popovich. “Things are going to go the other way in some games. And the way you respond to that is really the measure of how you’re going to do.”

Binuksan ng five-time world champions, ang World No. 1 sa lista­han ng international go­ver­ning body na FIBA, ang laro sa 6-0 bago pa­munuan ni Patty Mills ang Australia sa pag-angkin sa first quarter, 22-20.

Isang 10-0 atake ang inilunsad ng Team USA tampok ang tatlong three-pointers para kunin ang 76-61 bentahe sa pag­tatapos ng third period at hindi na nilingon pa ang mga Aussies.

KEMBA WALKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with