^

PM Sports

TIP puntirya ang twice-to-beat

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Twice-to-beat bonus sa Group B ang pakay na masungkit ng TIP ngayon sa pakikipagtuos sa kulelat na Alberei sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Developmental Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sasagupa ang Engineers kontra sa wala pang panalong Alberei sa alas-1:30 ng hapon kung saaan ang panalo nila ay may katapat na playoff bonus sa Group B.

Hawak ang 4-1 kartada, pasok na sa playoffs ang TIP matapos ang 110-99 panalo sa Black Mamba noong nakaraang linggo subalit higit pa doon ang hangarin ni head coach Potit De Vera para sa kanyang mga bataan.

“It’s going to be big for us. We want to have that momentum before going on a long break,” ani head coach Potit De Vera.

Bagama’t inaasahang wala pa rin ang big man nilang si Papa N’Diaye bunsod ng hamstring injury, paborito pa rin ang Engineers lalo’t may aasahan silang solidong local core nina Bryan Santos, Ivan Santos at GC Carurukan.

Ang Kings naman na blanko pa sa 0-3 kartada ay gigiyahan ng dating PBA player na si Reil Cervantes para sa misyong makaiskor na ng unang panalo.

Sa isa pang laro sa alas-3:30 ng hapon, hangad namang makasiguro rin ng playoff ticket ang Marinerong Pilipino na nakasikwat ng awtomatikong panalo upang umangat sa 3-0 sa Group A.

Nakuha ng Skippers ang libreng panalo bunsod ng forfeiture ng Nailtalk-Savio sa dalawang panalo nito kontra sa Skippers at sa AMA Online Education.

Magugunitang nitong nakaraang araw ay umatras sa partisipasyon sa D-League ang Nailtalk bunsod anila ng internal issues kaya’t automatic forfeiture na ang dala-wang nalalabing laban nito.

 

TWICE-TO-BEAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with