^

PM Sports

Manila, Iloilo, Pampanga nagsipagpanalo

Pang-masa

ANGELES CITY, Philippines — Tinalo ng Manila Stars at Iloilo United Royals ang kanilang mga karibal habang nalampasan ng host team Pampanga Lanterns ang pagbangon ng Mindoro Tamaraws sa 2019 MPBL Lakan Season.

Pinadapa ng Stars ang Biñan City Heroes, 106-93 para ilista ang kanilang ikaanim na sunod na arangkada sa bitbit na 8-1 karta at patuloy na hawakan ang second spot sa Northern Division.

Humakot si Chris Bitoon ng 22 points at 11 assists para sa Manila habang nagdagdag si Gabby Espinas ng 11 points at 11 boards kontra sa Biñan City.

Nag-ambag naman sina Aris Dionisio, Carlo Lastimosa at Gian Abrigo ng 15, 13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Stars.

Pinabagsak naman ng United Ro-yals ang Bulacan Kuyas, 83-73 dahil sa magandang inilaro ng apat nilang players.

Itinaas ng Iloilo ang kanilang baraha sa 5-4 para makasosyo ang Zamboanga sa fifth place sa Southern Division.

Samantala, naisuko ng Giant Lanterns ang itinayong 26-point lead, ngunit nakabalik sa kanilang porma para talunin ang Tamaraws, 85-78.

Nagtala si Michael Juico ng 18 points at 8 boards habang tumipa si Travis Thompson ng 14 markers para pamunuan ang Pampanga laban sa Mindoro.

Tumapos naman si guard Mark Cruz na may 12 points at 10 rebounds para sa Giant Lanterns, nakahugot kay Marlon Gomez ng 11.

Ang pang-anim na panalo ng Pampanga sa siyam na laro ang nagpanatili sa kanila sa fifth spot sa Northern Division.

2019 MPBL LAKAN SEASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with