Jonas Villanueva bilang iWalk playing coach?
MANILA, Philippines — Bukas ang bagong binyag na head coach na si Jonas Villanueva sa pagi-ging playing coach ng ba-gitong koponan na iWalk sa idinaraos na 2019 PBA Developmental League Foundation Cup.
Ayon sa 36-anyos na beterano, kasali siya sa opisyal na D-League roster ng Chargers subalit pinili munang ituon ang kanyang atensyon sa coa-ching kaysa bumalik ulit sa paglalaro.
“Actually, naka-line up ako rito pero sabi ko, ‘Walang magco-coach kung maglaro ako.’ Magkakagulo kami lalo,” ani Villanueva matapos 90-76 pagdaig sa Hazchem para sa kanilang unang panalo sa D-League. “The owners were hoping na maglaro ako pero sabi ko, ‘Relax lang tayo. Let the kids play.’ I’ll stick to coaching muna pero pag okay na yung team, baka makisali ako.”
Malaki ang posibilidad na maglaro ulit si Villanueva matapos ang dalawang taong pamamahinga su-balit ngayon ay ibubuhos muna ang oras sa coaching upang sulitin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng dating coach sa PBA na si Jong Uichico.
Kasama si Villanueva sa management ng Bataan Risers sa MPBL kung saan naman head coach ngayon ang batikang San Miguel mentor na si Uichico.
“Well, na kay Coach Jong ako. Sabi niya sa akin, tapos ka na ba maglaro or are you into coaching na? Sabi niya, ‘If you really want to coach, I can help you,” dagdag ni Villanueva. “Grateful ako to have Coach Jong as a mentor. Minsan kasi when you decide to coach, wala kang makukuha na mentor. Ako may Jong Uichico ako kaya I’ll focus on this.”
Dating guwardiya ng FEU champion team noong 2006, umakyat sa PBA si Villanueva bilang 9th overall pick noong 2007 PBA Rookie Draft. Hinirang siyang Finals MVP at Most Improved Player ng SMB noong 2009 bago maglaro sa Purefoods, Barako, Air 21 at NLEX na siyang huling koponang nilaruan niya noong 2017.
Subalit ayon kay Villanueva, ibang-iba ang paglalaro sa coaching na pinag-aaralan pa lamang niya umano ngayon bilang bagitong mentor sa tulong ni Uichico.
- Latest