^

PM Sports

Aiza-Maizo Pontillas hinangaan ng fans

Pang-masa
Aiza-Maizo Pontillas hinangaan ng fans

MANILA, Philippines — Maraming volleyball fans ang humanga sa ipinakitang pampapakumba ng beteranong spiker ng Petron Blaze Spikers at national team pool member na si Aiza Maizo-Pontillas.

Nagkalat sa social media ngayon ang isang la-rawan kung saan makikita ang mahinahong sagot ni Maizo-Pontillas sa hinaing ng isang fan.

Ayon sa fan: “What’s happening to Aiza Maizo? Ambaba ng performance [niya] lately?”

“Alam ko po hirap ako this season sa offense. Pagbubutihin ko po sa mga susunod na laban,” pagsisiguro ni Maizo-Pontillas. “Salamat po sa suporta.”

Kapansin-pansin na sa huling dalawang laro ng Petron Blaze Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ay hindi masyadong nagamit ang kaliweteng skipper.

Sa dalawang five-set thriller ng Petron nitong nagdaang linggo, nakapagtala lamang siya ng da-lawang puntos kontra F2 Logistics at isang puntos lang ang inambag nito laban sa Foton.

Sa susunod na linggo ay lalaban sa quarterfinals ang number one seed na Blaze Spikers tangan ang 13-1 na baraha at makakaharap nito ang Marinerang Pilipina. Fergus E. Josue, Jr.

vuukle comment

AIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with