^

PM Sports

Rondina ‘spark plug’ ng Spikers

Pang-masa
Rondina ‘spark plug’ ng Spikers

MANILA, Philippines — Isa si Sisi Rondina sa mga bumandera sa Petron Blaze Spikers para du­ngi­san ang dating malinis na baraha ng F2 Logistics Cargo Movers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference noong Hu­webes.

Pumalo ng 22 points si Rondina sa likod ng 21 attacks at 1 block para pa­ngunahan ang Petron sa 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6 panalo.

Pero hindi niya iniisip ang kanyang individual per­formance.

“Hindi ko alam, De­finitely gusto naming ma­nalo talaga,” ani Rondina. “Alam naman natin na ang F2 Logistics tala­gang malakas na team.”

Tila naging energizer ng tropa si Rondina pagdating ng huling tatlong sets na nagbago sa takbo ng laro at pumabor sa ka­nila nang husto.

Para sa kanya, hindi ma­wawala ang lakas niya hangga’t hindi tapos ang la­ro.

“Titigil lang ako ka­pag tapos na ‘yung game. Bale ganoon na lang ‘yung attitude ko. Kasi hin­di lahat kami maganda ‘yung gising, hindi rin lahat makakapaglaro nang maayos, sabi nga ni coach 100 percent kailangan ibigay mo lahat,” dagdag ng UAAP Sea­son 81 MVP.

Maging si Petron coach Shaq delos Santos ay bilib sa ipinakitang de­terminasyon at husay ni Rondina at tinawag niya pa itong ‘spark plug’ ng defending champions.

Nakita rin ni Delos Santos ang improvement sa inilalaro ngayon ni Ron­dina at umaasa siyang magtuluy-tuloy na ito hanggang sa pagtatapos ng tor­­neo.

“Tawag ko nga diyan spark plug. Kasi ‘yun  talaga kapag isinalpak mo ‘yan sa team bumubuhay talaga sa team namin and mas nakita namin ‘yung improvement din niya ngayon,” ani Delos Santos.Fergus E. Josue, Jr.

vuukle comment

RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with