TIP, BRT-St. Clare target ang win No. 3 Ulanday
MANILA, Philippines — Itataya ng TIP at BRT Sumisip Basilan -St. Clare ang pareho nilang walang bahid na kartada ngayon para sa solo liderato ng Group B sa 2019 PBA Deve-lopmental League Foun-dation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sisiklab ang aksyon sa alas-5:30 ng hapon kung saan hangad ng parehong koponan na masungkit ang kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa 14-team D-League tournament.
Bago iyon, pakay din ng Hazchem ang solo liderato sa Group A naman sa pakiki-pagtuos nito kontra sa Marinerong Pilipino sa alas-3:30 ng hapon.
Unang panalo naman ang nais ng mga bagitong koponan na Black Mamba Energy Drink at Alberei sa alas-1:30 ng tanghaling curtain raiser.
Matapos hindi maka-sali noong nakaraang torneo, maugong ang naging pagbabalik ng TIP Engineers ngayong conference nang dikdikin ang unang dalawang kalaban nito sa 23.0-point winning margin.
Ibinaon ng mga bata ni head coach Potit De Vera ang McDavid-La Salle Araneta, 92-71 gayundin ang Hyperwash, 106-81 para sa maagang 2-0 baraha sa Group B na bunga aniya ng maagang pagsasanay nila.
“Makikita mo ‘yung progress ng team, how we improved dahil sila-sila na ang magkakasama simula pa noong summer,” ani De Vera na sasandal kay Sene-galese big man pap N’Diaye, Bryan Santos at Ivan Santos upang giyahan ang kanilang mis-yon sa ikatlong sunod na tagumpay.
Hindi naman iyon magiging madali lalo’t dominanteng St. Clare rin ang kanilang makakasagupa.
Determinadong maalpasan ang semifinal fi-nish nito noong nakaraang conference, mainit din ang naging simula ng Saints na ibinaon ang Hyperwash, 129-72 at Alberei, 114-81 sa pambihirang 40.0-point winning margin.
Sa kabila naman nito ay ayaw pakampante ni Saints mentor Stevenson Tiu.
“Doon kami mate-test (vs TIP),” ani Tiu.
Tatrangko naman sa atake ng St. Clare ay sina Cris Dumapig, Jhaps Bautista, Junjie Hallare at Joshua Fontanilla gayundin si Malian big man Mohammed Pare.
- Latest