^

PM Sports

Lakambini Stakes race isang tulog na lang

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang tulog na lang at magkikita-kita na ang mga tigasing dalaginding na kabayo sa 2019 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” na ilalarga bukas sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Handa nang mag-unahan ang siyam na kalahok sa distansyang 1,600 meter race kung saan nakalaan ang P1.5M guaranteed prize.

Mapupunta ang P900,000 na premyo sa unang kabayong tatawid sa meta.

Inaasahang markado sa karera ang My Jopay at My Shelltex na mga sumali sa Triple Crown series kaya inaasahang mapapalaban sila sa pito pang tigasing kalahok.

Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce ang My Shelltex na sumali sa first leg ng TC.

Sumalang naman ang My Jopay sa una at pangat-long leg ng TC series.

Ang ibang kalahok ay ang Cups In Raver, Easy Landing, Melody Amor, Serafina, Suberbia, Two Timer at Shanghai Grey na tumakbo rin sa pangatlong leg ng triple crown.

Kukubra ng P337,500 ang second placer habang P187,000 at P75,000 ang maibubulsa ng pangatlo at pang-apat na kabayong tatawid sa finish line ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi naman ang breeder ng winning horse ng P60,000 mula sa PHILRACOM.

vuukle comment

LAKAMBINI STAKES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with