^

PM Sports

McCullough bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
McCullough bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas?
Chris McCullough

MANILA, Philippines — Nagpresinta si San Miguel import Chris McCullough na makunsidera bilang susunod na naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Ipinakita ng 6’8 reinforcement ang kanyang kagustuhan sa social media sa gitna ng paghahanda ng Nationals para sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup ngayong Agosto sa Foshan, China.

“Naturalized player for Gilas Pilipinas..,” ani McCullough na nalagay din ng emoji na ‘high five’ o taas-kamay na tila simbolo ng kanyang matinding kagustuhan na maging susunod na reinforcement ng Philippine national basketball team.

Pumasok si McCullough bilang replacement import lamang ng Beermen ngayong 2019 PBA Commissioner’s Cup kapalit ng original reinforcement nilang si Charles Rhodes.

Bagama’t first timer sa PBA, nagpakilala agad ang New York native na si McCullough nang magrehistro ito ng 31.7 puntos, 13. 0 rebounds, 2. 7 assists, 1. 5 steals at 2. 38 blocks upang madala sa semifinals ang SMB.

Sa Game 3 nga lang ng idinaraos na semis series ng SMB at Rain or Shine ay Nagliyab sa 51 puntos ni McCullough na siyang pinakamataaas na puntos sa PBA ngayong taon.

Dating Syracuse University standout sa US NCAA, na-draft pa nga si McCullough bilang 29th overall pick noong 2015 NBA Draft para sa Brooklyn Nets. Naglaro rin siya sa Washington Wizards at sa marami pang ibang koponan sa NBA G-League.

Mabigat ang resume, may taas na 6’8 at batang-bata pa sa edad na 24-anyos, swak nga si McCullough bilang naturalization prospect kung bibigyan ng pagkakataon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Matagal nang naghahanap ang SBP ng ilang kandidato para sa naturalization upang magkaroon ng dagdag na options ang Gilas sa maraming international tournaments bukod pa kay Andray Blatche.

Matatandaang si Justin Brownlee, resident import ng Barangay Ginebra, ay rumolyo na ang naturalization process noon pang nakaraang taon at na-kabinbin na sa kongreso.

Lumutang na rin ang pangalan ni Talk ‘N Text import Terrence Jones bagama’t maugong ang posible niyang pagbabalik sa NBA.

CHRIS MCCULLOUGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with