^

PM Sports

CEU Scorpions sasalang na

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalakas at kumpletong Centro Escolar University ang magpapakilala ngayon sa una nitong salang kontra sa Asia’s Lashes sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sisiklab ang aksyon sa alas-5:30 ng hapon kung saan asam ng Scorpions ang magandang panimula sa kanilang paghihiganti ngayong Foundation Cup.

Bago iyon, bubuksan ni ex-PBA player Jonas Villanueva ang bagong kabanata sa kanyang career bilang head coach ng bagitong team na iWalk na sasagupa sa AMA Online Education sa alas-1:30 ng hapon.

Magbabanggaan naman ang BRT Sumisip Basilan – St. Clare at isa pang baguhang team na Hyperwash sa alas-3:30 ng hapon.

Matatandaan na noong nakaraang komperensya ay naubusan ng manlalaro ang CEU nang masibak sa koponan ang walong players bunsod ng pagkakasangkot sa game-fixing allegations.

Subalit hindi sumuko ang Scorpions na bagama’t walong manlalaro nalang ang naiwan simula quarterfinals ay hindi nagpatinag at nakapasok pa rin sa Finals bago kapusin sa nagkampeon na Cignal-Ateneo, 1-3.

“We are ready to put the past conference behind and start anew this Foundation Cup,” ani head coach Derrick Pumaren.

Sa kabutihang palad, kumpleto na ang roster na ipaparada ng CEU pagdating ng mga bagong recruits na sina Eric Gabriel-le Tuadles, Bling Sanexes Murillo at Angelo Paul Escalano na sasamahan ang mga mainstays na sina Rich Guinitaran, Maodo Malick Diouf, Franz Ray Diaz, Kurt Sunga, Jerome Santos, Josua Abastillas at Dave Bernabe.

Sa kabila nito, hindi pa rin magiging ganoon kadali ang misyon ng Scor-pions sa unang panalo lalo’t palabang bagito na Asia’s Lashes ang haharang sa kanilang daan. (JBU)

PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with