^

PM Sports

Ayonayon bayani ng San Juan Knights

Pang-masa

Legaspi City, Philippines —Nakakita ng bayani ang San Juan Knights kay guard Mike Ayonayon para talunin ang Bataan Risers, 87-79 sa overtime para panatilihin ang kanilang imakuladang rekord sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Ibalong Centrum for Recreation dito.

Iniskor ni Ayonayon, ang Datu Cup Finals MVP, ng 10 sa kabuuang 11 points ng Knights sa fourth period para makabangon mula sa 11-point deficit sa huling dalawang minuto para puwersahin ang Risers sa extension, 72-72.

Tumipa si Ayonayon ng limang puntos para sa San Juan sa overtime kung saan siya tinulungan nina John Wilson, Jhonard Clarito at Art Aquino at ipalasap sa Bataan ang ikaapat na kabiguan sa pitong laro.

Tumapos si Ayonayon na may 18 points habang may 22 markers si Wilson para sa Knights, nakahugot ng 11 at 10 points kina Larry Rodriguez at Mac Cardona, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo naman ng Iloilo United Ro-yals ang Bicol Volcanoes, 79-74.

Huling naghamon ang Volcanoes sa 74-75 buhat sa triple ni Jonathan Aldave kasunod ang free throws nina Richard Escoto at RR De Leon para sa panalo ng Royals.

Itinaas ng Iloilo ang kanilang baraha sa 4-3 sa ilalim ng 5-3 marka ng Volcanoes.

Nanood ng laro si MPBL founder Manny Pacquiao, tinalo si Keith Thurman para sa World Boxing Association welterweight crown noong nakaraang Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.

Dadalhin ng MPBL ang mga aksyon sa Navotas Sports Complex kung saan lalabanan ng Soccsksargen ang Davao Occidental ngayong alas-4 ng hapon.

Sa alas-6:30 ng gabi ay magtutuos naman ang General Santos City laban sa Mindoro kasunod ang bakbakan ng Navotas at Nueva Ecija sa alas-8:30.

SAN JUAN KNIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with