^

PM Sports

Petecio sumuntok ng ginto sa Thailand Open

Chris Co - Pang-masa
Petecio sumuntok ng ginto sa Thailand Open
Nesthy Petecio

MANILA, Philippines — Nasungkit ni 2014 World Championship sil­ver medallist Nesthy Pe­tecio ang nag-iisang gin­tong medalya ng Pilipi­nas matapos pagreyna­han ang women’s fea­ther­­weight division ka­hapon sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship sa Nimibutr Sports Stadium sa Bangkok, Thai­­land.

Nailusot ni Petecio ang split decision win la­ban kay Asian Championship silver medalist Nilawan Techasuep ng Thailand upang maibulsa ang premyong $1,500 o mahigit P75,000.

Solidong straight shot ang pi­na­ka­walan ni Petecio na tu­mama sa sik­mura ni Te­chasuep na naging da­­hilan para mapaatras ang mas matangkad na Thai bet sa kalagitnaan ng first round.

Ipinagpatuloy ni Petecio ang agresibong atake nang tatlong beses itong kumunekta sa mukha ni Techasuep sa unang ba­ha­gi ng second round.

Sinundan pa ito ni Petecio ng malakas na upper cut na nagpabagay sa galaw ng Thai bet.

Naging agresibo si Te­chasuep sa pagsisi­mu­la ng huling kanto na sinabayan ni Petecio kung saan ilang solidong straight pa ang ibinigay ni­to na halos ikatumba na ng Thai fighter.

Nakapasok sa finals si Petecio matapos gulatin si 2015 Asian Championships gold me­­­dal winner Peamwilai Lao­peam ng Thailand via 4-1 split decision win sa se­mifinals.

Pinataob din ni Petecio si Won Un Gyong ng North Korea sa quarterfinals (5-0 unanimous decision) at Tumurkhuyag Bolortuul ng Mongolia sa second round (5-0 unanimous decision).

Nakahirit si Petecio ng first-round bye.

Nag-ambag naman ng tansong medalya si Ian Clark Bautista na natalo si semifinals laban kay reigning Southeast Asian Games champion Butdee Chatchai-Decha ng Thailand sa men’s bantamweight division.

Hindi naman pinalad na makasampa sa podi­um sina Marvin Tabamo (men’s flyweight), Marjon Pianar (men’s welter­weight), Carlo Paalam (men’s light flyweight), Su­gar Rey Ocana (men’s light welterweight), John Marvin (men’s light hea­vyweight), Jeorge Rey Edusma (men’s lightweight) at Irish Magno (wo­men’s flyweight).

Ang partisipasyon ng na­tional team sa event ay bahagi ng paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Pilipinas sa Nobyembre 30 hanggang Dis­yem­bre 11.

PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with