^

PM Sports

Bowles ina-naturalized ng Indonesia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakalinya na si PBA import Denzel Bowles para maging naturalized player ng Indonesian basketball team.

Ito ay ayon kay team manager Fareza Tamrella sa inilabas na ulat ng international site na main­bas­ket.

Sinabi ng Indonesia team manager na nakausap na nila si Bowles ukol sa planong naturalization process.

Sa ngayon ay inaayos na ng parehong panig ang mga papeles na ka­ka­ilanganin upang maisakatuparan ang naturalization ni Bowles na lubhang makakatulong sa pag-angat ng Indonesian national basketball team.

Wala pang katiyakan kung aabot ang naturalization ni Bowles para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games kung saan makakalaban ng Indonesia ang Gilas Pilipi­nas.

Magaganap ang SEA Games sa Pilipinas mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Naging posible ang pa­giging naturalization candidate ni Bowles dahil sa rekomendasyon ni Rakjo Toroman na siyang napili bilang pina­kabagong head coach ng Indonesia noong nakaraang buwan lang.

Nasa edad 30-anyos, makailang ulit nang nagsilbing import para sa Purefoods franchise si Bowles.

Ang pinakamaning­ning dito ang stint niya noong 2012 kung saan siya tinanghal na Best Import para ibigay sa koponan ang 2012 Commis­sioner’s Cup crown.

Nagbalik siya sa koponan noong 2013 at 20­16.

Sa 2019 Commissio­ner’s Cup ay naging import din siya ng Rain or Shine subalit nagkaroon ng knee injury.

 

BOWLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with