^

PM Sports

Texters nakaeskapo sa Kings sa game 1

Russell Cadayona - Pang-masa
Texters nakaeskapo sa Kings sa game 1
Kinuyog nina import Terrence Jones at Jay Washington ng TNT Katropa si Ginebra center Greg Slaughter.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Muling pinatunayan ng Tropang Texters na hin­di lamang si import Terrence Jones ang ma­a­sahan nila sa krusyal na bahagi ng laro.

Umiskor sina Jones at big man Troy Rosario ng tig-24 points para akayin ang TNT Katropa sa 95-92 panalo laban sa nag­de­depensang Barangay Gi­nebra sa Game One ng ka­nilang semifinals wars sa 2019 PBA Commis­sio­ner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Sa mga practices namin talagang ma-involve na­min ‘yung mga temmates namin para sa mga ga­nitong sitwasyon,” ani Rosario ukol sa pagba­ngon ng Tropang Texters mu­la sa 62-72 agwat sa third period patungo sa pag-agaw sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five se­­mis duel ng Gin Kings.

Umarangkada ang TNT Katropa sa fourth pe­riod kung saan ang drive ni Jones sa huling 10.9 segundo ang nagbi­gay sa kanila ng 95-93 abante ka­sunod ang mintis na tres ni Joe Devance sa po­sesyon ng Ginebra.

Samantala, aminado si coach Ca­loy Garcia na de­hado ang kanyang Rain or Shine sa kanilang best-of-five se­mifinals duel ng San Mi­guel.

Ngunit tiniyak niyang lalaban nang sabayan ang Elasto Painters sa Beermen, ang five-time PBA Philippine Cup cham­pions.

Magtutuos ang Rain or Shine at San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi sa Game One ng ka­­nilang semifinals duel sa Big Dome.

Tinakasan ng Beermen ang Elasto Painters, 89-87, sa unang pag­tu­tu­os ni­­la noong Hulyo 13.

 

 

PAINTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with