^

PM Sports

Petecio susuntok ng gold medal

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binuhay ni 2014 World Championship silver me­dalist Nesthy Petecio ang kampanya ng Pilipinas matapos kumana ng tiket sa finals ng women’s featherweight division kahapon sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Isang magandang gameplan ang inilatag ni Petecio upang sorpresahin si 2015 Asian Championships gold medalist Peamwilai Laopeam ng Thailand sa pamamagitan ng split decision win.

Makakaharap ni Petecio sa finals ang isa pang Thai pug na si Nilawan Techasuep na nagsumite rin ng split decision win kay Liudmila Vorontsova ng Russia sa hiwalay na semis match.

Sa pag-entra sa finals ay sigurado na si Petecio na makapag-uuwi ng premyong $750 (P37,000).

Bigo namang sumalo sa selebrasyon ni Ian Clark Bautista na lumasap ng unanimous decision loss kay reigning Southeast Asian Games champion Butdee Chatchai-Decha ng Thailand sa semis ng men’s bantamweight division.

Naging agresibo si Bautista sa huling yugto ng laban sa tangkang ma­patumba ang Thai figh­ter upang makaiwas sa hometown decision.

Subalit naging mautak ang Thai boxer na nagtatakbo at makailang ulit na yumakap kay Bau­tista upang ubusin ang oras at protektahan ang kanyang bentahe.

Nagkasya sa tansong medalya si Bautista ka­la­kip ang $500 konso­las­yon.

PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with