^

PM Sports

Determinado si Jeremy Go sa Guinness record

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpiyansa pa rin si Go for Gold president Jeremy Go na masusungkit ng bansa ang Guinness world record para sa Most People Dribbling Basketballs Simultaneously, matapos mabigo nitong Linggo sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

Target na burahin ng bansa ang unang record na hawak ng United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) kung saan may 7,556 na sabay-sabay na nagdribble ng bola sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong Hulyo 22, 2010.

Pero umabot lamang sa kulang-kulang na apat na libong tao - wala pa sa kalahati ng 10,000 tao na inaasahan ng organisers - ang pumunta para makiisa at makibahagi sa world record attempt na ito.

“Hindi tayo hihinto hanggang makuha natin ‘to. I mean first attempt marami tayong natutuhan kung paano gawin,” wika ni Go.

“I think atleast maraming napasaya and then next year I’m confident na magiging successful tayo. Niloloko ko nga ‘yung taga-Guinness sabi ko ‘yung plake na ginawa ninyo huwag niyo muna itapon kasi kukunin ko pa ‘yan next year.”

Nataon din na kasabay ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Keith Thurman ang world record attempt na ito kaya’t sa tingin ni Go ay malaki ang naging epekto nito kung bakit kokonti lamang ang nagpunta noong araw na ‘yun.

Hindi man naging pabor ang resulta ng unang pagsubok nito sa world record, malaki pa rin ang pasasalamat ni Go sa lahat ng nagpunta at naglaan ng kanilang oras para maging bahagi ng isang kasaysayan.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng pumunta kahit na hindi tayo umabot sa record today, atleast Philippine record ‘to. Sana after this maraming maglaro ng basketball at na-achieve pa rin natin ang goal natin even though hindi tayo naka-Guinness record,” dagdag ni Go.

Bilang pampalubag-loob sa mga dumalo, pinasaya naman sila ng ilang performers gaya nina Nadine Lustre, Sam Concepcion, John Roa, Karencitta at ang bandang This Band at rap group na Almost at bukod dito ay nakapag-uwi rin ang lahat ng tig-iisang basketball.

JEREMY GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with