Cousins at Rondo magkasama sa LA Lakers
LOS ANGELES -- Matapos makuha si Anthony Davis mula sa New Orleans Hornets ay ilang players pa ang idinagdag ng Lakers sa kanilang pagpapalakas para sa darating na NBA season.
Pumayag ang Lakers sa pagbibigay ng one-year deal kay free-agent center DeMarcus Cou-sins bukod pa ang pagpapanatili kay back point guard Rajon Rondo.
Ang kontrata ni Cou-sins, dating naglaro para sa Golden State Warriors, ay nagkakahalaga ng $2.3 milyon, ayon sa kanyang agent na si Jeff Schwartz ng Excel Sports.
Bagama’t interesado sa kanya ang Miami Heat ay nakumbinsi ang 29-anyos na si Cousins ni Davis, naging katambal niya sa Hornets, na lumipat sa Lakers.
Kung walang iinda-hing injury si Cousins ay makakasama niya sina Davis at LeBron James sa starting five ng Lakers.
Nauna nang umasa ang Lakers na mahihikayat nilang lumipat sa kanila si Kawhi Leonard, ngunit mas pinili nitong maglaro para sa Clippers kasama si Paul George.
Pumirma si Cousins, isang four-time All-Star at naglaro para sa Sacramento Kings at Pelicans, ng $5.3 million, one-year deal sa Warriors bago ang 2017-18 season.
Pipirma naman si Rondo sa isang two-year deal sa kanyang pananatili sa Lakers, nakipagkasundo rin kay free agent swingman Danny Green.
Bibigyan din ng Lakers ng panibagong kontrata sina Kentavious Caldwell-Pope, JaVale McGee at restricted free agent Alex Caruso bukod pa sa napagkasunduang two-year, $6 million deal kay free-agent guard Quinn Cook.
- Latest