Villanueva bigo na naman
MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon ay nabigo si Filipino fighter Arthur Villanueva na muling makapagsuot ng world boxing crown.
Isang seventh round technical knockout loss ang nalasap ni Villanueva sa kanyang paghahamon kay Nordine Ooubaali para sa World Boxing Council bantamweight belt kahapon sa Barys Arena sa Nur-Sultan, Kazakhstan.
Nalasap ni Villanueva ang kanyang ikaapat na kabiguan para sa 32-4-1 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs.
Nauna nang nabigo ang 30-anyos na tubong Bago City sa kanyang title fight kay Zolani Tete ng South Africa para sa World Boxing Organization title noong 2017.
Noong 2015 ay natalo rin siya kay McJoe Arroyo para sa bakanteng International Boxing Fe-deration super flyweight crown.
Bumagsak si Villanueva sa sixth round matapos ang pinadapong straight left at right hook ni Ooubaali ng France.
Hindi na nakatayo si Villanueva sa pagtunog ng bell sa round seven.
Napanatiling suot ng 32-anyos na si Ooubaali, may 16-0-0 (12 KOs) ngayon, ang kanyang WBC bantamweight crown.
Ang Frenchman ay isang two-time Olympic Games campaigner.
- Latest