Morales nangunguna sa mga horse owners
MANILA, Philippines — Naglabas ang Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ng record sa “Top 10 owners based on wins and placing” para sa buwan ng Hunyo.
Nangunguna si Narciso Morales na may 17 wina , 33 na second place finish, 26 na third at 23 na fourth, sumunod si LM Javier Jr. na nakapagtala ng 9W, 2S, 4T at 8F habang pangatlo si JAC Dichaves, (8W,3S,2T,2F).
Ayon sa tiyempistang madalas nanonood ng ensayo ng mga kabayo sa pista na si Chris Tolentino, walang dudang si Morales ang mangingibabaw dahil sa rami ng kanyang pangkarerang kabayo.
“Araw-araw may mga kabayo siyang tumatakbo, kahit saang karerahan kaya si Morales talaga ang mamamayagpag sa ganyan,” ani Tolentino. Minsan sa isang race, tatlo ang kanya doon,”
Si Edward Diokno na may-ari ng 1st Leg Triple Crown winner Real Gold ay nasa seventh place, ay may limang panalo, tatlong segundo, at tigalawang thrid at fourth.
Ang ibang umentra sa top 10 ay sina MC Habla, (fourth), NM Magno, (fifth), BU Tecson, (sixth), MB Villasenor, (eighth), PML Trading, (ninth) at BC Abalos Jr. (10th).
Samantala, mula Enero hanggang Hunyo, ay si Morales pa rin ang nangunguna na may 144-1st, 191-2nd, 147-3rd at 163-4th nasa pangalawa si LM Javier Jr. na may 37W, 40S, 27T at 26F habang pangatlo si BU Tecson, (36W, 19S, 26T, 15F).
Naka puwesto sa pang-apat si EVM Diokno na kumolekta ng 26 na panalo, 13-2nd, 15-3rd at pitong 4th.
- Latest