^

PM Sports

Antetokounmpo maglalaro para sa Greece sa 2019 FIBA World Cup

Pang-masa
Antetokounmpo maglalaro para sa Greece sa 2019 FIBA World Cup
Giannis Antetokounmpo

ATHENS, GREECE -- Sinabi ni star forward Giannis Antetokounmpo na maglalaro siya para sa Greece sa darating na 2019 FIBA Basketball World Cup sa China sa Agosto.

Hinirang na NBA Most Valuable Player pa­ra sa 2018-19 regular season, gusto ng 24-anyos na Mil­waukee Bucks forward na matulungan ang kanyang bansa sa kampanya sa nasabing world championship.

“I want to be there to help my country achieve something good,” wika ni Antetokounmpo. “I have not spoken to the coach about which position I will play.’

Idinagdag pa ng All-Star forward na kahit sa anong posisyon siya ila­gay ay hindi makakaa­pek­to sa kanyang laro.

“Whether I play in po­sition 1 or 5 I don’t care. I want to play, I’m a basketball player,” wika ng tinaguriang ‘Greek Freak’.

Kinausap na niya ang kanyang mga Greek teammates para sa kanyang paglalaro sa World Cup na nakatakda sa Agosto 31 hanggang Set­yembre 15.

“We are all excited and we are looking forward to the tournament,” wika ni Antetokounmpo.

Kasama ang Greece sa Group F na kinabibila­ngan ng Brazil, New Zea­land at Montenegro.

Unang isinuot ni Antetokounmpo, ipinanganak sa Greece sa Nigerian parents, ang uniporme ng Greece noong July 2013 sa under-21 level kung ka­ilan din siya pumirma sa Bucks.

Sa sumunod na taon ay naglaro siya sa senior Greek national team para sa ninth-place finish.

ANTETOKOUNMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with