Ex-Gilas coach Toroman hahawakan ang Indonesia
MANILA, Philippines – Pamilyar na mukha sa katauhan ng dating Philippine coach na si Rajko Toroman ang makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa papalapit na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa.
Ito ay matapos pangalanan ang 64-anyos na veteran coach bilang pinakabagong mentor ng Indonesia basketball team.
Nagmula mismo kay Toroman ang kumpirmasyon kamakalawa ng gabi nang bumisita siya upang manood ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nasa bansa si Toroman ngayon upang tumulong sa coaching staff ng Mighty Sports na kakatawan sa bansa sa William Jones Cup sa Taiwan sa susunod na buwan.
Magugunitang no-ong 2009 ay ang Serbian na si Toroman ang pinakaunang coach ng original Smart Gilas Pilipinas na nagsimulang magpakilala bilang basketball powerhouse sa Asya.
Matapos iyon ay na-ging consultant din siya sa PBA para sa koponang Petron noong 2012 at Barako Bull noong 2013.
Bagama’t nasa kabilang panig na ngayon, inamin ni Toroman na malayo pa ang tatahakin ng Indonesia upang makasabay sa undisputed Southeast Asian basketball king na Pilipinas.
Labing pito mula sa 19 SEAG Basketball crowns ang hawak ng Pilipinas kabilang na nga ang 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan tinambakan nila ang Indonesia sa gold medal match, 99-55.
- Latest