^

PM Sports

Creamline pinasuko ang Pacific Town-Army

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling napasuko ng nagdedepensang Creamline ang Pacific Town-Army, 16-25, 25-16, 25-22, 25-16 para sumalo sa lidearto kahapon sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Mabilis na nakabangon ang Cool Smashers sa first-set loss nang pamunuan ni Venezuelan Aleoscar Blanco ang ratsada ng tropa para makuha ang ikawalong panalo sa siyam na laro.

“We were a bit relaxed in the first set but in the next, it was different, especially with regard to our service,” wika ng middle hitter na si Blanco.

Umani si Blanco ng kabuuang 16 puntos buhat sa 10 attacks, apat na blocks at dalawang aces habang nagbigay ng solidong suporta sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na may 11 puntos at Thai import Kuttika Kaewpin na nagsumite ng 10 hits.

Sinamahan ng Creamline sa tuktok ng standings ang PetroGazz na may parehong 8-1 marka.

Lumasap naman ang Lady Troopers ng ikalimang kabiguan para mahulog sa 4-5 marka at maudlot ang pagmartsa nito sa semifinals.

Nagpasabog si Olena Lymareva-Flink ng 22 puntos habang nagrehistro naman si dating Season MVP Jovelyn Gonzaga ng 10 markers para sa Pacific Town-Army.

Kailangang maipanalo ng Pacific Town-Army ang huling laban nito kontra BanKo Perlas sa Sabado upang pormal na masungkit ang puwesto sa semis at makaiwas sa anumang kumplikasyon.

Ngunit kung mata-talo ang Motolite sa PetroGazz sa Sabado, mabibigyan ng awtomatikong tiket sa semis ang Lady Troopers at Perlas Spikers.

 

PACIFIC TOWN-ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with