^

PM Sports

Lady troopers, banko Perlas puntirya ang semifinals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Puntirya ng Pacific Town-Army at BanKo Perlas na maisukbit ang importanteng panalo sa pagharap sa magkahiwalay na karibal ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Troopers ang reigning champion Creamline sa alas-3 habang titipanin naman ng Perlas Spikers ang BaliPure Water Defenders sa alas-5.

Parehong naghahabol ang Pacific Town-Army at BanKo Perlas sa huling dalawang tiket sa semifinals.

Nasa No. 3 ang Lady Troopers hawak ang 4-4 marka kasunod ang Perlas Spiker na may 3-5 baraha at ikalima ang Motolite na may 3-6 kartada.

Nauna nang umusad sa semis ang PetroGazz (8-1) at Creamline (7-1) na okupado ang unang dalawang puwesto.

Kaya naman ilalabas na ng Pacific Town-Army ang lahat ng armas nito upang awtomatikong makuha ang ikatlong tiket sa semis.

Ipaparada ng Lady Troopers sina imports Olena Lymareva-Flink at Jenelle Jordan ngunit kailangan ng dalawa ng matinding tulong mula sa local players partikular na kina veterans Jovelyn Gonzaga, MJ Balse-Pabalo, Nene Bautista, Sarah Jane Gonzales at Honey Royse Tubino.

Nais naman ng Creamline na maulit ang kanilang 25-21, 25-16, 25-18 demolisyon sa Pacific Town-Army sa first round.

Hindi basta-basta isusuko ng Cool Smashers ang laban dahil naghahabol din itong makuha ang top seeding upang maging maganda ang puwesto nito sa crossover semis.

Kaya naman aariba ng husto sina Thai import Kuttika Kaewpin at Venezue-lan Aleoscar Blanco kasama sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, Risa Sato, Michele Gumabao at playmaker Jia Morado.

Sa kabilang banda, tiwala ang BanKo Perlas na madudugtungan nito ang five-set win sa Motolite noong Linggo.

Hindi pa masyadong makasabay sa sistema si Thai reinforcement Sutadta Chuewulim na humalili kay American Lakia Bright.

Masuwerte ang Perlas Spikers dahil pumutok ang local players gaya nina skipper Nicole Tiamzon, Katherine Bersola at Sue Roces.

Sa panig ng BaliPure, hangad na lamang ng tropa na magkaroon ng disenteng pagtatapos ang kanilang kampanya sa kumperensiyang ito. Wala pang panalo ang Water Defenders sa walong laro.

LADY TROOPERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with