^

PM Sports

Painters nakalusot sa dyip sa overtime

Russell Cadayona - Pang-masa
Painters nakalusot sa dyip sa overtime
Iniskoran ni Rain or Shine import Denzel Bowles si Lester Prosper ng Columbian.
PBA Images

MANILA, Philippines — Naposte si import Denzel Bowles ng triple-double, ngunit si guard Rey Nambatac ang nagtawid sa Rain or Shine sa panalo.

Humakot si Bowles ng 29 points, 14 rebounds at 10 assists para tulungan ang Elasto Painters sa 88-86 overtime win laban sa Columbian Dyip sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Batangas Sports Coliseum.

Nakabangon ang Rain or Shine mula sa 105-107 overtime loss sa NorthPort noong nakaraang Miyer­kules para itaas ang kanilang baraha sa 3-3, habang nalasap ng Columbian ang ikatlong sunod na kama­lasan na nagbaba sa marka nila sa 1-6.

Kung mayroon mang kapintasan sa laro ni Bowles, ito ay ang kanyang masamang 7-of-21 sho­oting sa free throw line.

Ngunit may dahilan ang one-time PBA Best Import awardee.

“I came into the game with stomach cramps. Fatigue really hit me today,” wika ni Bowles na ilang beses naghahabol ng kanyang hininga. “I’ve missed a lot of free throws, but I have to focus on the game.”

Matapos kunin ng Dyip ang 27-22 bentahe sa first quarter ay naglunsad ang Elasto Painters ng 20-4 atake sa likod nina Bowles, Ed Daquioag at Kris Rosales para itayo ang kanilang 11-point lead, 42-31, sa 4:41 minuto ng second period.

Nakadikit naman ang Columbian sa final canto patungo sa pagtutulak sa Rain or Shine sa extra period, 81-81, mula sa three-point shot ni guard Rashawn Mc­Carthy.

Huling nahawakan ng Dyip ang kalamangan sa 86-84 buhat sa basket ni import Lester Prosper sa 2:35 minuto ng labanan ka­­sunod ang split nina Bowles at Beu Belga at ang game-winning lay-up ni Nambatac sa huling 2.6 segundo para sa pana­lo ng Elasto Painters.

Tumapos si Nambatac na may 10 markers kaga­ya ni Jewel Ponferrada para sa Rain or Shine.

Binanderahan naman ni Prosper ang Columbian mula sa kanyang 26 points kasunod ang 15, 12 at 11 markers nina McCarthy, No. 1 overall pick CJ Perez at Jackson Cor­puz, ayon sa pagka­ka­­sunod.

 

PAINTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with