^

PM Sports

Go for Gold Best Pinoy team sa Le Tour

Pang-masa
Go for Gold Best Pinoy team sa Le Tour

MANILA, Philippines – Nakamit ng Go For Gold Philippines Continental Cycling Team ang hinahangad ng iba pang local squads nang hiranging Best Filipino Team sa katatapos na 10th Le Tour de Filipinas.

Nagtulung-tulong sina Jonel Carcueva, Daniel Ven Carino, Ismael Grospe at Jericho Lucero para sa tagumpay ng Go for Gold sa nasabing five-day UCI (Union Cycliste Internationale) 2.2 category race.

“As a young team with young Pinoy riders, I believe this validates the faith we have given our developmental team and shows the enormous improvement they have made against other powerhouse Filipino teams,’’ wika ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Nagmula ang koponan sa impresibong kampanya sa nakalipas na 2019 Ronda Pilipinas at PRURide PH kung saan hinirang sina Grospe at Carino bilang best young rider, ayon sa pagkakasunod.

“Of course, we would have preferred to get a better placing, especially in the best young rider category, which we had successfully won in our two previous UCI races,’’ dagdag pa ni Go, ang vice president for marketing ng Powerball Marketing & Logistics Corporation.

Ibinibigay ang best young rider award sa best-performing cyclist na may edad 23-anyos pababa.

Kaagad kinuha ng mga Go For Gold riders ang kontrol sa Stage One ng Le Tour de Filipinas sa Tagaytay City bagama’t nasibak si team captain Elmer Navarro dahil sa kabiguang makamit ang ‘curfew’ (limit time).

Lalo pang gumanda ang ratsada nina Lucero, Grospe, Carino at Carcueva sa mga sumunod na yugto ng karera dahil sa pagsunod sa estratehiya ni Go For Gold project director at head coach Ednalyn Hualda.

Ipinakita ng mga Go for Gold ri-ders ang kanilang karakter sa Stage Two sa Pagbilao, Quezon patungo sa Daet, Camarines Norte hanggang sa huling tatlong yugto ng karera sa Legazpi City, Albay at Sorsogon.

Inungusan ng Go For Gold riders ang Philippine National Team ng dalawang minuto habang iniwanan nila ng 31 minuto at 28 segundo ang 7-Eleven Cliqq-Air21 para maging best Filipino squad sa karerang nagbigay ng UCI ranking points para sa 2020 Tokyo Olympics.

LE TOUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with