^

PM Sports

Kumusta si Jerramy King?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa wakas, pabalik na sa laro si Jerramy King matapos ang matagal na pamamahinga upang pagalingin ang kanyang napunit na posterior cruciate ligament sa kanilang unang laro sa kasalukuyang PBA season.

Bago tinamaan ng injury, inaasahan ang exci-ting na laro ng Columbian Dyip kung saan magsasama-sama ang mga exciting young players na sina King, Rashawn McCarthy at ang top draft pick na si Jaymar Perez.

Kaya nga lamang, unang laro pa lang nila sa season kontra sa San Miguel Beer, tinamaan ng injury si King galing sa kanyang Cinderella season noong 2017-18.

Ang tanong ngayon ay kung mapanatili ba ni King ang kakisigan ng kanyang laro bago namahinga ng matagal.

Kasabay sa pagbabalik ni King ang pagpasok ng bagong Columbian import sa katauhan ni Lester Prosper na pumalit kay Kyle Baron.

Sa limang laro kasama si Baron, nakahugot lang ng isang panalo ang Columbian Dyip.

***

Hindi ako solve sa excuse ng dalawang natio­nal riders-- El Joshua Carino at Ronald Oranza-- na na-disqualify agad sa first stage pa lamang ng 2019 Le Tour de Filipinas.

Unang sultada pa lamang ng karera sa ruta na dapat ay llamado ang mga local riders kaso lagapak na agad sina Carino at Oranza na parehong ‘di umabot sa cutoff time.

Inabot daw ng cramps si Carino at dehydrated naman si Oranza.

Solve siguro ako sa excuse kung sa ibang bansa ang karera kahit na national riders pa sila. Ang kaso suot nila ang national jersey sa ruta na dapat ay kabisado na nila.

Ibig bang sabihin na aasa lang ang bansa sa tsamba-tsamba na ‘di sila tamaan ng cramps, dehydration at kung anu-ano pa.

Parating na ang SEA Games na mukhang sa parehong ruta rin itatakbo. Kamusta ang kahandaan ng ating mga riders? 

vuukle comment

JERRAMY KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with