^

PM Sports

‘Di pa puwede si Remy--SBP

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangako ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na magiging bahagi ng mga susunod na Gilas Pilipinas teams si Remy Martin matapos hindi ito mapabilang sa kasalukuyang koponan na sasalang sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, wala pa kasing kasiguruhan kung makakapaglaro ba si Martin bilang local para sa Gilas kaya’t hindi muna siya isinali sa koponan ni Yeng Guiao na sasabak kontra sa pinakamagagaling na nasyon sa world meet ngayong Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan.

“We are waiting for more documents to prove that Remy is eligible to play as a local,” ani Panlilio sa 20-anyos na pambato ng Arizona State.

Dahil isang naturalized player lang ang nakalaan sa kada koponan na nakaatang na kay Andray Blatche na para sa Gilas, kailangang masiguro ng bansa na kumpleto ang dokumento ng lahat ng Fil-Ams na gustong maglaro katulad ni Martin at Jordan Clarkson upang makunsidera silang local player at hindi natura-lized player.

Bagama’t sigurado na ang nanay ni Martin ay Filipina sa katauhan ni Mary Anne Bagtas Macaspac, kailangan aniya ng dokumento ni Martin na nagpapatunay na may Philippine passport na siya bago mag-edad 16 na siyang sinusubukan pang siguruhin ng Pilipinas, ayon kay Panlilio.

Malungkot na tinanggap ito ni Martin na hindi pa ngayon ang panahon upang makalaro sa Pinas subalit idiniin ang kanyang commitment at willingness na maglaro pa rin sa bansa kapag naayos na ang lahat ng dokumentong kailangan.

“Just got a call and I will not be representing the Philippines in the World Games. It was a pleasure to be mentioned,”ani Martin. “I will always represent the Philippines. Maybe next time”

Dahil bagong halal na second vice president ng FIBA Asia Council si Panlilio, inaasahang magiging malaking tulong ito sa mga hakbang na gagawin ng bansa upang makunsidera sa wakas ang eligibility ni Martin gayundin ni Clarkson.

“The issue on eligibility will again be raised in the next FIBA eligibility meeting. My position as 2nd VP in the (FIBA Asia) Board gives me an opportunity to push for clarity and reforms on that matter,”ani Panlilio.

“We are thankful to Remy for his sincere interest to play for our flag and country. We, in the SBP, are trying to do everything to make that a reality.”

 

REMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with