Tanduay, may pa-tournament sa Batangas
MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ng Tanduay ng kanilang ika-165 taon kung saan muli silang napili bilang No. 1 rum sa buong mundo ng Drinks International, nakalatag ang planong pag-ibayuhin ang kanilang pagsuporta sa sports grassroots.
Bukod sa pagsuporta sa kauna-unahang Rum Festival sa Bacolod City sa Agosto, palalakasin ng kumpanyang pina-ngungunahan ni president at chief operation officer Lucio “Bong” Tan Jr. ang Tanduay Athletics na nakatuon sa Batangas City.
Bukod sa pagsuporta sa Batangas team sa kasalukuyang Maharlika Pilipinas Basketball League, may pa-liga ang Tanduay para sa iba’t ibang barangay sa Batangas.
Itinatag ni Tan ang Tanduay Athletics para sa grassroots youth deve-lopment at makapagbigay ng oportunidad sa mga nais maging propesyunal na basketball players.
Bukod sa basketball, may plano rin ang Tanduay na makapag-develop ng mga mahuhusay na volleyball players.
May 26-taon nang nag-o-operate ang alcohol refinery na Absolut Distillers Inc. ng Tanduay Distillers sa Lian, Batangas ngunit ang Bacolod ang tahanan ng World’s No. 1 rum dahil dito nanggagaling ang katas ng tubo na siyang pangunahing sangkap ng inuming ito.
Dahil dito, napili ang Bacolod, Sugar Capital of the Philippines na pagdausan ng Tanduay Rhum Festival.
Ang Tanduay na dini-distribute na sa U.S.A. bukod sa Asya, ay kauna-unahang Philippine brand na naging partner ng isang NBA team matapos suportahan ang Golden State Warriors.
- Latest