^

PM Sports

CEU sasagupa sa Ateneo sa Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
CEU sasagupa sa Ateneo sa Finals
Kinuyog nina John Ambulodto at Ray Rubio ng St. Clare si Malick Diouf ng CEU.
PBA Images

MANILA, Philippines – Nasikwat ng Centro Es­colar University ang karapatang makaharap ang Cignal-Ateneo sa Fi­nals matapos ipagpag ang St. Clare College-Vir­tual Reality, 89-72, sa Game Three ng ka­nilang 2019 PBA D-League best-of-three se­mifinals series kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ay kahit pa nag­laro muli ang Scorpions na may pitong players sa ikaapat na sunod na pagkakataon mula sa quar­ter­finals kung saan nasangkot sa ‘game-fi­xing’ scandal ang walo nilang manlalaro.

Naghahabol ng isang puntos, 38-39, papasok ng halftime, nagpaka­wala ang CEU ng 29-13 birada sa ikatlong kanto upang makapagtayo ng 67-52 kalamangan pa­pa­sok sa huling kanto.

Bagama’t kontrolado na ang manibela, muntikan pang maubusan ng bala ang Scorpions nang matawagan ng flagrant foul penalty 1 si Sene­ga­lese big man Maodo Ma­lick Diouf sa huling 3:11 ng laban.

Sumaklolo naman si­­­na Rich Gui­ni­taran at Dave Ber­­na­be sa natitirang ba­­hagi ng laro sa pag­ka­­wala ni Diouf na ki­na­ilangang umupo ng tat­long minuto.

“We didn’t expect to be here, to make it to the Finals, but the heart and the desire to win ng mga players, there’s no subs­titute for that,” ani head coach Derrick Pumaren.

Naglista si Guinita­ran ng 23 points, 7 re­bounds at 4 assists para giyahan ang Scorpions, habang nagtala ng 22 mar­kers si Bernabe.

MALICK DIOUF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with