Kawhi, Kevin at iba pa magiging free agents
TORONTO - Naglalaban ang defending champion Golden State Warriors at Raptors sa 2019 NBA Finals.
Subalit maaaring mawalan ang dalawang koponan ng kanilang mga superstars sa darating na free agency para sa susunod na season.
Sina Kawhi Leonard at Marc Gasol ng Toronto at injured Kevin Durant, Klay Thompson at DeMarcus Cousins ng Golden State ang ilan sa mga magiging prized free agents sa susunod na buwan.
Maaaring pumayag ang mga players sa contract terms para sa susunod na season simula sa Hulyo at puwedeng lumagda ng bagong termino sa Hulyo 6.
Sina Durant, Leonard at Gasol ay may contract options na puwede nilang gamitin para iwanan ang pinirmahang kontrata at maging free agents matapos ang NBA Finals kagaya nina star guards Kyrie Irving ng Boston Celtics at Jimmy Butler ng Philadelphia 76ers.
- Latest