Torre bumagsak din kay Quizon
MANILA, Philippines — Matapos gulatin si Filipino Grand Master Joey Antonio sa isang blitz match at talunin ang mas nakakatandang players sa National Juniors Championship ay nagpatuloy sa kanyang ratsada ang 14-anyos na si Daniel Quizon.
Idinagdag ni Quizon sa kanyang mga biktima ang 67-anyos na si GM Eugene Torre sa Asian Continental Championships sa Xingtai, China noong Sabado ng gabi.
Nakatakdang labanan ni Quizon si No. 13 GM Suri Vaibhav ng India kagabi sa third round ng nasabing torneo.
Nauna nang binigo ni Quizon si Antonio, 6.5-.5 at isinunod sina IM John Marvin Miciano at reigning national juniors’ titlist Jeth Romy Morado sa National Juniors kamakailan.
Noong Marso ay kalahating puntos na lamang ang kailangan ni Quizon para makuha ang ikalawa sa tatlong norms na kailangan para maging GM.
Ngunit tumapos siya sa top 20 sa Ninth HD Bank event sa Vietnam.
Si Quizon ang sinasabing susunod sa mga yapak ni Wesley So, ang tubong Bacoor, Cavite na nakabase ngayon sa United States at naging World No. 2 noong 2018.
- Latest